Follow me on FACEBOOK

Saturday, August 18, 2012

Para sa'yo estranghero

Tahimik na ang langit. Hindi ko na naririnig ang pagpatak ng ulan sa bubong ng aming bahay. Ang gabi ay tahimik na naman. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagiisa ko sa aking buhay.

Matagal na rin akong 'di nagsusulat. Marahil dahil walang sumasagi sa aking isipan na karapatdapat maisulat at mabasa ng iba. Madalas ay nakakpagsulat lamang ako kapag may kalungkutang dumating sa aking buhay. Nahihirapan akong magsulat ng mga bagay na hindi emosyonal. Ayaw ko rin sigurong magsulat tungkol sa mga bagay-bagay na wala akong kinalaman o kaya nama'y yaong mga bagay na limitado lang ang aking alam. Maskabisado ko ang aking sarili kaya madalas ay kung ano lamang ang nararamdaman ko, yun lang ang aking sinusulat.

Sa susunod na mga araw ay susubukang kong magsulat ng mga bagay na nasa isipan ko. Sa ngayon sana ay pagtiyagaan niyo muna ang maikling paliwanag ng aking pagkawala.

Para sa'yo estanghero... sana ay nababasa mo ito...