Follow me on FACEBOOK

Friday, November 03, 2006

Ang Bahay sa Mahiyain

Bubuksan mo ang pinto at iyong makikita ang nakakalat na mga gamit. Susubukan mo itong ‘di pansinin ngunit ‘pag naglao’y ‘di mo mapipigilan ang sarili mong ayusin ang mga ito.

Photobucket - Video and Image Hosting

Sa iyong pagdating babatiin mo ang mga taong nasa harap ng kompyuter. Mistulan silang mga istatua na ang tanging gumagalaw lamang ay ang kanilang mga kamay sa itaas ng mouse at keyboard at ang kanilang mga matang (malalim na dahil sa pagpupuyat) nakatitig halos buong araw sa monitor.

Photobucket - Video and Image Hosting
Aakyat ka sa itaas ng bahay at makikita mo na nakahilata sa animo’y kama ang mga taong alam mong pagod na pagod sa pagiisip at paggawa ng plano. Mapapangiti ka na lamang dahil para silang mga batang nakahiga sa lapag at walang paki alam sa mundo, ang tanging ninanais lamang nila ay matulog ng mahimbing dahil bukas sila’y mapapagod na namang muli.


Ilang araw at gabi mong nanaising umuwi ngunit ‘di maaari dahil marami pang dapat gawin at tapusin. Minsan ‘di mo na makakayanan ang pagod at iiyak ka na lamang sa isang tabi o kaya nama’y sa unan na ‘di mo maalala kung sino ang may-ari. May mga panahon ring magkakaroon ng alitan ang mga tao sa bahay, ‘di ka na lamang magsasalita upang ‘di na lumala ang sitwasyon.
Ngunit ‘di naman lahat ay pagod at lungkot. Madalas rin nama’y may bibili ng ice cream at masaya ninyong pagsasaluhan ang isang galon ng kaligayahan. Nariyan rin ang walang katapusang tagisan ng galing sa paglalaro ng pikachu – sino kaya ang mananalo ngayong gabi?


Pero lahat iyon ay kailangang matapos; Lahat kailangang ilagay sa kahon at iuwi sa bahay-bahay ng bawat isa. Ang ibang alaala’y maiiwan dun sa bahay na iyon sa kalye ng mahiyain. Pero ‘di lahat dahil maguuwi ako ng isang isda mula sa pond.Photobucket - Video and Image Hosting

No comments: