Sa paglipas ng panahon may mga bagay na minsan gusto mo na lamang kalimutan dahil nagsisi ka kung bakit mo nagawa ang mga bagay na iyon o kaya nama'y gusto mong alalahanin dahil ito'y mga masaya at nagpapagaan ng iyong loob. Marami ang nagsasabi sa akin na baguhin ko daw ang paraan ng aking pagsusulat. "Lagi na lamang malulungkot ang tema ng iyong sinusulat," 'yan ang madalas kong naririnig sa nakakbasa ng aking mga sinulat. Sa tuwing sasabihin nila ito ang tanging masasagot ko lamang ay, "Dito ko lang kasi nalalabas ang lahat ng lungkot sa buhay ko, ang aking pagkasawi at mga bagay na gusto ko na lamang tanggalin sa loob ko upang gumaan agad ang aking pakiramdam.
Sa buhay kong ito marami na ang nangyari. Lahat ng kasiyahan ay nakatago kaibuturan ng aking puso. Samantalang ang mga masasakit na pangyayari ay iniiwan ko lamang upang maging salita -- upang sila ay tuluyan nang maibaon sa limot.
Ilang araw ko na ring hinahanap ang sarili ko. Minsan aking natatanto na siguro ang dahilan nito'y masyado kong ibinibigay ang buong pagkatao at sarili ko sa taong mahal ko -- wala na akong tinitira para sa aking sarili. Isang sobrang gasgas na mga kataga ngunit hanggang ngayon ay may katotohanan pa rin ito sa lahat ng tao. Sa aking paghahanap aking nalaman na kailangan ko na talagang harapin ang lahat ng mga problemang dumarating at darating pa. 'Di ko na dapat isa-walang bahala ang mga bagay ng kailanga'y pinagtutuonan ko ng pansin. Kasama na rin ang mga taong mahalaga sa akin -- lahat silang minamahal ako at yaong mga mahal ko.
Malapit na...
Sana bukas maliwanag na naman ang araw para nakangiti akong babangon mula sa isang mahimbing na pagkatulog upang harapin ang mga magagandang bagay na naghihintay sa akin sa labas ng aking kuwarto.
No comments:
Post a Comment